Sa preskon ng sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan (NPC) ng Tsina, na idinaos ngayong araw, Biyernes, ika-16 ng Marso 2018, sa Beijing, sinabi ni Chen Baosheng, Ministro ng Edukasyon, na iginigiit ng Tsina ang prinsipyong "inviting in and going out," sa pakikipag-ugnayan sa ibang bansa sa pagtatatag ng mga institusyong pang-edukasyon. Aniya, hanggang sa kasalukuyan, mahigit 2600 ganitong instituto at programa ang naitatag.
Dagdag ni Chen, ang kooperasyong pang-edukasyon ng Tsina at ibang bansa ay nagdudulot ng win-win result. Aniya, sa pamamagitan nito, huhubugin ang iba't ibang uri ng mga talento, na kinakailangan ng kapwa panig, at palalalimin din ang pagkakaibigan ng mga mamamayan ng iba't ibang bansa.
Salin: Liu Kai