Beijing, Tsina—Ipininid ngayonga araw, Marso 15, 2018 ang unang sesyon ng Ika-13 Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC), punong organong tagapayong pampulitika ng Tsina.
Pinagtibay sa katatapos na 12-araw na taunang sesyon ang rebisadong alituntunin ng CPPCC. Inilakip sa nasabing sinusugang alituntunin ang Pananaw sa Siyentipikong Kaunlaran at Kaisipan ni Xi Jinping hinggil sa Sosyalismo na May Katangiang Tsino para sa Bagong Panahon. Nakasaad din sa alituntunin ang CPPCC bilang mahalagang bahagi ng sistema ng pangangasiwa sa bansang Tsina at mahalagang pormang pulitikal at organisasyonal sa pagpapairal ng multi-partidong pagtutulungan at sistema ng konsultasyong pulitikal, sa pamumuno ng Partido Komunista ng Tsina (CPC).
Bumigkas din ng talumpati si Wang Yang, bagong halal na Tagapangulo ng CPPCC.
Salin: Jade
Pulido: Rhio