|
||||||||
|
||
Beijing,Tsina—Inilahal si Wang Yang bilang tagapangulo ng Pambansang Komite ng Ika-13 Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC), punong organong tagapayong pampulitika ng Tsina.
Sa ika-4 na pulong plenaryo ng unang sesyon ng Ika-13 CPPCC, Miyerkules, Marso 14, 2018, inihalal din ang 24 na pangalawang tagapangulo at 300 miyembro ng Pirmihang Lupon ng CPPCC.
Si Wang na ipinanganak noong 1955 ay nanunungkulan bilang pangalawang premyer ng Tsina sapul noong 2013.
Lumahok sa nasabing pulong ang mahigit 2,100 tagapayong pulitikal ng ika-13 CPPCC.
Si Yu Zhengsheng (kanan), Tagapangulo ng Ika-12 CPPCC habang nakikipagkamay kay Wang Yang (kaliwa) pagkaraan ng patalastas ng resulta ng halalan sa ika-4 na pulong plenaryo ng unang sesyon ng Ika-13 CPPCC, Miyerkules, Marso 14, 2018. (Xinhua/Li Xueren)
Salin: Jade
Pulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |