Sa kanilang pag-uusap sa telepono, ika-19 ng Marso, 2018, ipinaaabot ni Xi Jinping Pangulo ng Tsina ang kanyang pagbati kay Vladimir Putin, Pangulo ng Rusya. Sa kanyang muling pagkahalal bilang pangulo ng Rusya.
Binigyan-diin ni Xi na ang Tsina at Rusya ay komprehensibong estratehikong magkatuwang, at ang relasyong ito ay nasa pinakamagandang panahon. Nakahanda aniya ang Tsina na patuloy na magsikap, kasama ng Rusya, para pahigpitin ang pag-uugnayan at palalimin ang kooperasyon.
Ipinahayag ni Putin na ang mga desisyong ginawa ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC) sa sesyong ito ay tumpak at tiyak na magpapasulong sa pag-unlad ng Tsina. Kumakatig aniya ang Rusya sa mga ito. Pinahahalagahan ng Rusya ang pagkakaibigan ng dalawang bansa, nakahandang pahigpitin ang pagpapalitan sa mataas na antas , at palalimin ang komprehensibong estratehikong partnership ng dalawang bansa, aniya pa.
salin:Lele