Sa regular na news briefing noong ika-13 ng Disyembre, 2017, ipinahayag sa Beijing ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng Rusya at iba pang panig, para malutas ang isyu ng Syria sa pamamagitan ng pulitikal na paraan.
Ipinatalastas kamakailan ni Vladimir Putin, Pangulo ng Rusya na sisimulan ang pag-uurong ng tropang Rusno mula sa Syria. Tungkol dito, sinabi ni Lu na nitong 2 taong nakalipas, natamo ang mahalagang progreso sa aksyon laban sa terorismo sa Syria. Pinapupurihan aniya ng Tsina ang pagsisikap ng Rusya para rito. Aniya pa, naniniwala ang Tsina na dapat patuloy na magkaroon ng koordinasyon at kooperayson para magbigay-dagok sa terorismo sa anumang porma, at isulong ang paglutas sa isyu ng Syria sa pamamagitan ng pulitikal na paraan sa ilalim ng patnubay ng United Nations.
salin:Lele