Miyerkules, Pebrero 7, 2018, magkahiwalay na nagpadala ng mensaheng pambati sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Vladimir Putin ng Rusya, sa seremonya ng pagbubukas ng taon ng pagpapalita't pagtutulungang lokal ng dalawang bansa.
Seremonya ng pagbubukas ng taon ng pagpapalita't pagtutulungang lokal ng Tsina at Rusya
Sa kanyang mensaheng pambati, tinukoy ni Pangulong Xi na ang Tsina at Rusya ay mapagkaibigang kapitbansa, at mahaba ang kasaysayan ng kanilang pagkakaibigan. Aniya, ang mga lokalidad ay mahalagang puwersa ng pagsasagawa ng komprehensibong kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan para sa Tsina at Rusya, kaya, magkasama aniya nilang ipinasiya ni Pangulong Putin, na idaos ang taon ng pagpapalita't pagtutulungang lokal mula taong 2018 hanggang 2019. Nananalig aniya siyang ma-e-enkorahe ng nasabing aktibidad ang kasiglahan ng kooperasyong lokal ng dalawang bansa, at mahihimok ang mas maraming purok, bahay-kalakal, at mamamayan na magkaloob ng mas malaking lakas-panulak para sa tuluy-tuloy, malusog at matatag na pag-unlad ng relasyong Sino-Ruso.
Ipinahayag naman ni Pangulong Putin na mabilis na umuunlad ang komprehensibo, estratehiko at kooperatibong partnership ng Tsina at Rusya. Aniya ang nasabing aktibidad ay nagpapatuloy sa tradisyon ng pagtataguyod ng taon ng pagpapalitan at pagtutulungan sa iba't ibang tema. Sa loob ng balangkas ng taon ng pagpapalita't pagtutulungang lokal, idaraos ng dalawang panig ang mahigit 100 aktibidad, dagdag pa niya. Nananalig aniya siyang makakatulong ang aktibidad na ito sa pagpapatupad ng mga mungkahing may prospek sa iba't ibang larangan, at lubusang paggagalugad ng napakalaking nakatagong lakas ng kooperasyong lokal.
Salin: Vera