|
||||||||
|
||
Beijing, Tsina—Ipinagdiinan ng Tsina na patuloy itong mananangan sa reporma at pagbubukas sa labas ang bansa, at bukas at inklusibo ang Made in China 2025 Stratedy ng bansa.
Ito ay ipinahayag ni Miao Wei, Ministro ng Teknolohiya at Impormasyon ng Tsina sa isang preskon Martes, Enero 30, 2018.
Aanyayahan ni Miao ang mas maraming bahay-kalakal na dayuhan na makipagtulungan sa Tsina, sa ilalim ng nasabing estratehiya.
Ang Made in China 2025 ay isang sampung taong pambansang estratehiya na inilabas ng Tsina noong 2015. Layon nitong pasulungin sa lebel na pandaigdig, sa taong 2025, ang telekomunikasyon, daambakal, koryente, robotics, high-end automation, at sasakyan ng bagong enerhiya ng bansa.
Idinagdag pa ni Miao na batay sa nasabing estratehiya, sa kasalukuyan, nabuo na ng Tsina at Alemanya ang work group hinggil sa Industry 4.0, at naitatag ng Tsina at Amerika ang work group hinggil sa telecommunication network. Bukod dito, nakipagtulungan din ang Tsina sa Europa, Pransya, Italya sa larangan ng production efficiency at green manufacturing.
Salin: Jade
Pulido: Mac
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |