Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Dalubhasang dayuhan sa Tsina, bibigyan ng mas maraming ginhawa

(GMT+08:00) 2018-02-06 17:42:16       CRI

Beijing, Tsina—Ipagpapatuloy ng Tsina ang mga patakaran ng reporma't pagbubukas sa labas, at ibayo pang pagiginhawahin ang pagtatrabaho ng mga dalubhasang dayuhan sa Tsina.

Ito ang ipinahayag ni Premyer Li Keqiang ng Tsina sa kanyang pakikipag-usap sa mga kinatawan ng mga dalubhasang dayuhan na nagtatrabaho sa Tsina, Lunes ng hapon, Pebrero 5, 2018.

Bilang taunang aktibidad para ipagdiwang ang Chinese New Year na matatapat sa Pebrero 16 sa taong ito, unang una, ipinahayag ni Premyer Li ang pangungumusta at bati-pambagong-taon sa mga banyagang eksperto.

Idinagdag pa ni Premyer Li na ang taong 2018 ay ika-40 anibersaryo ng pagpapairal ng Tsina ng reporma't pagbubukas. Ipinangako rin niyang palalalimin ng pamahalaang Tsino ang reporma sa iba't ibang larangan, sa pamamagitan ng pagbabawas ng buwis at bayaring administratibo ng mga bahay-kalakal na Tsino at dayuhan.

Ipinangako rin ng premyer Tsino na ibayo pang magbubukas sa labas ang Tsina para papasukuin ang mga dayuhang dalubhasa.

Ani Li, kabilang sa mga ginhawang ipagkakaloob ng Tsina sa mga talentong dayuhan ay pagpapatupad ng 5 hanggang 10 taong multiple entry na visa, pinag-isang aplikasyon at bintana para sa pagtasa ng aplikasyon, at pagpapadali ng aplikasyon para sa permanent residence. Noong Enero 4, 2018, inilabas ng Tsina ang mga alintuntunin para mapaginhawa ang visa permit para sa mga propesyonal at talentong dayuhan

Animnapu't isang (61) kinatawang dayuhan ang lumahok sa nasabing diskusyon. Iniharap nila ang mga mungkahi hingil sa upgrading ng kabuhayang Tsino, de-kalidad na pag-unlad, "Made in China 2025" plan, inobasyon, edukasyon, kapaligiran at iba pa.

Kabilang sa mga kinatawang dayuhan ay sina Edmund Strother Phelps, Nobel Laureate at Dekano ng New Huadu Business School, Minjiang University; Juergen Fleischer, Academician ng German Academy of Science and Engineering (ACATECH) at professor ng Tongji University; John Hopcroft, Turing Award Recipient at Foreign Academician ng Chinese Academy of Sciences.

Si Premyer Li Keqiang ng Tsina (gitna) habang nakikipag-usap sa mga dalubhasang dayuhang nagtatrabaho sa Tsina, Enero 5, 2018. (Xinhua/Li Tao)

Salin: Jade
Pulido: Mac

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>