Maynila, Pilipinas--Ayon sa pahayag ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), katanggap-tanggap sa pamilihan ng Tsina ang panda bonds na ini-issue ng bansa, Martes, Marso 20, 2018. Umabot sa 9.22 bilyong yuan RMB (1.45 bilyong US dollar) ang halaga ng nasabing bonds na binili ng mga mamumuhunan. Ito ay mahigit anim na beses kumpara sa 1.46 na bilyong yuan RMB (230 milyong US dollars) na halagang itinakdang i-issue. Ipinakikita anito ang kumpiyansa ng mga mamumuhuan sa kabuhayan ng Pilipinas.
May tatlong taon tenure ang nasabing bonds. 5% ang bond stated interet rate.
Ang panda bonds ay yuan-denominated debts na ipinagbibili sa Tsina ng mga foreign issuer. Ito ang unang pagkakataon na ini-issue ng Pilipinas ang panda bonds. Ang Pilipinas ay unang bansa ng Timog-silangang Asya na nag-issue ng nasabing bonds sa Tsina.
Salin: Jade
Pulido: Mac