Maynila, Pilipinas-Sa kanyang mensaheng pambati sa pagbubukas nitong nagdaaang Sabado, sa Rizal Park ng Ika-18 Kapistahang Pangkultura ng Tsina't Pilipinas, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na nitong daan-daang taong nakalipas, hindi lamang paninda ang ipinagpapalitan ng mga mamamayang Tsino at Pilipino, kundi maging sense of value, kultura at kaugalian. Idinagdag pa niyang ang matibay na bigkis na itinatag sa nasabing proseso ay nagpapasulong ng komong kaunlaran, kasaganaan at kapayapaan. Umaasa aniya siyang sa patnubay ng pagkakaibigan, magkasamang tutungo sa mas magandang kinabukasan ang dalawang bansa.
Sinabi naman ni Zhao Jianhua, Embahador ng Tsina sa Pilipinas na ang taong 2018 ay Taon ng Aso, ayon sa Chinese lunar calendar, at sa kulturang Tsino ang aso ay simbolo ng katapatan. Nitong mahigit sanlibong taong nakalipas, hindi lamang mag-trade partner ang mga mamamayang Tsino at Pilipino, nananatili rin silang matapat at mataimtim na magkakaibigan, dagdag pa niya. Naniniwala aniya siyang magpapatuloy ang katapatan at pagkakaibigan ng Tsina't Pilipinas sa hene-henerasyon.
Ang mga bisitang Pilipino at Tsino habang nakikilahok sa iba't ibang aktibidad sa kapistahan
Salin: Jade
Larawan: Sissi
Pulido: Rhio