|
||||||||
|
||
Beijing, Tsina—Pinagtibay sa katatapos na taunang sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan (NPC), punong lehislatura ng Tsina, ang ulat ng mga gawain ng pamahalaang Tsino. Batay sa mga mungkahi ng mga mambabatas at tagapayo ng bansa, 86 na bahagi sa ulat ng pamahalaang Tsino ang isinaayos. Mababasa sa nasabing taunang ulat ang balik-tanaw sa pag-unlad ng bansa nitong nagdaang taon at mga pambansang plano at patakaran sa susunod na taon.
Ito ang ipinahayag ni Han Wenxiu, Pangalawang Direktor ng Tanggapan ng Pananaliksik ng Konseho ng Estado, gabinete ng Tsina, sa preskon Martes, Marso 20, 2018.
Isinalaysay ni Han na kaugnay ng pagbubukas sa labas, inilakip ang hinggil sa reporma sa superbisyong pinansyal, at pag-u-upgrade ng mga sona ng transborder na kooperasyong pangkabuhayan.
Tungkol naman sa pamumuhay ng mga mamamayan, ang idinagdag na mungkahi ay pagpapahalaga sa pag-aalaga at paghubog sa mga guro ng kingdergarten; pag-aruga sa mga bata sa kanayunan na may mga magulang na nagtatrabaho sa lunsod; pagpapalakas ng pag-aalaga sa mga batang may kapansanan, batang may malubhang sakit at mga street children; at paghikayat sa sambayanang Tsino na magbasa.
Kabilang din sa mga karagdagang mungkahi ay pagpapabilis ng pag-unlad ng makabagong industriya ng serbisyo, pagtatatag ng smart society, pagpapasulong ng lakas-paggawa na nagtatampok sa karunungan, kahusayan at inobasyon, at iba pa.
Salin: Jade
Pulido: Mac
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |