Nalalapit na ang pagdiriwang ng Songkran Festival, o kilala bilang Water Festival ng Thailand. Ipinaalam Martes, Marso 20, 2018 ng Pambansang Kawanihan ng Thailand sa mga mamamahayag na i-oorganisa ng nasabing kawanihan ang isang grupo na may 50 tao na bubuuin ng mga kinatawan ng samahang panturismo at mga mangangalakal na panturismo ng bansa, para ipromote ang paglalakbay sa Thailand sa Jinan ng Lalawigang Shandong, Shijiazhuang ng Lalawigang Hebei, Zhengzhou ng Lalawigang Henan, at Wuhan ng Lalawigang Hubei, mula ika-26 hanggang ika-30 ng Marso.
Ipinahayag ng personahe ng naturang kawanihan na namamahala sa pagdedebelop ng pamilihan ng Asya at South Pacific na medyo maunlad ang kabuhayan ng nabanggit na 4 na lunsod, at may kataasang lebel ng pamumuhay ang mga residente doon, kaya target nilang maaakit ang pagpasyal ng mas maraming tao sa Thailand.
Ang Tsina ay pinakamalaking bansang pinanggagalingan ng mga turista ng Thailand. Noong 2017, mahigit 9.8 milyong person-time na turistang Tsino ang pumasyal sa Thailand, at ito ay lumaki ng mahigit 10% kumpara noong 2016. Lampas sa 520 bilyong baht (o halos 104.7 bilyong yuan RMB) ang tourism revenue na nilikha nila sa Thailand.
Salin: Vera