Ayon sa datos na isinapubliko nitong Huwebes, Disyembre 29, 2016, ng Ministri ng Turismo at Palakasan ng Thailand, kung ihahambing sa taong 2015, malinaw na lumaki ang bilang ng mga turistang dayuhan sa Thailand at tourism income ng bansang ito. Kabilang dito, umakyat sa 8.77 milyong person-time ang mga turistang Tsino sa Thailand na mas malaki ng 10.56% kumpara sa taong 2015. Bukod dito, nagbigay ang mga turistang Tsino ng halos 12.6 bilyong dolyares na kita para sa Thailand na mas malaki ng 15.34% kumpara sa taong 2015.
Salin: Li Feng