Ayon sa datos na isinapubliko kamakailan ng Ministri ng Turismo at Palakasan ng Thailand, noong ika-3 kuwarter ng kasalukuyang taon, kumita ang turismo ng bansa ng halos 18 bilyong dolyares. Kabilang dito'y 2/3 ang mula sa mga turistang dayuhan. Nasa mga 1/5 naman ang ambag mula sa mga turistang Tsino.
Ayon kay Areepong Bhoocha-oom, Ministro ng Turismo at Palakasan ng Thailand, noong ika-3 ng kuwarter ng kasalukuyang taon, lumaki ng 15.67% ang bilang ng mga turistang Tsino sa Thailand kumpara sa gayunding panahon ng nagdaang taon. Nasa halos 3.5 bilyong dolyares ang kita mula rito na nasa unang puwesto sa iba't-ibang rehiyon ng buong mundo.
Salin: Li Feng