Ipinahayag nitong Miyerkules, Disyembre 21, 2016, ni Kobkarn Wattanavrangkul, Ministro ng Turismo at Palakasan ng Thailand, na sa susunod na taon, ipo-promote ng kanyang bansa, pangunahin na, ang limang (5) uri ng theme tourism na kinabibilangan ng sports tour, ASEAN tour, medical at health tour, wedding tour, at sea tour.
Ayon sa salaysay, hanggang noong Disyembre 18, nakatanggap na ang Thailand ng halos 31.2 milyong person-time na turistang dayuhan sa kasalukuyang taon. Ito ay mas malaki ng 9.26% kumpara sa gayunding panahon ng nagdaang taon.
Salin: Li Feng