Mula ika-5 hanggang ika-10 ng Nobyembre, 2018, idaraos sa Shanghai ang unang China International Import Expo. Kaugnay nito, isang news briefing ang itinaguyod Huwebes, Pebrero 22, ng Departamento ng Komersyo ng Embahada ng Tsina sa Singapore at Singapore Business Federation, para ipromote ang nasabing ekspo.
Ipinahayag ni Zhong Manying, Economic & Commercial Minister Counsellor ng Embahada ng Tsina sa Singapore, na sa Belt and Road Forum for International Cooperation (BRF) noong Mayo ng 2017, ipinatalastas ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang pagtataguyod ng China International Import Expo. Aniya, ang tema ng kasalukuyang ekspo ay "Bagong Panahon, Bagong Plataporma." Ito aniya ay magsisilbing pagkakataon para sa Belt and Road cooperation ng Tsina at Singapore. Winewelkam aniya ng pamahalaang Tsino ang paglahok dito ng mga mataas na opisyal, personahe ng sirkulong komersyal, at bahay-kalakal ng Singapore. Mapapalawak ang negosyo, sa pamamagitan ng plataporma ng ekspong ito, dagdag pa ni Zhong.
Ayon naman kay SS Teo, Tagapangulo ng Singapore Business Federation, lalahok sa nasabing ekspo ang isang malaking delegasyon na bubuuin ng iba't ibang masusing industrya ng Singapore, sa ilalim ng pamumuno ng kanyang samahan.
Salin: Vera