Pagkaraang pumirma si Pangulong Donald Trump ng Estados Unidos sa memorandum na maaaring mauwi sa pagpapataw ng 60 bilyong US dollar na taripa sa mga produktong Tsino, ipinahayag ngayong araw, Biyernes, ika-23 ng Marso 2018, ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ipagtatanggol ng kanyang bansa ang sariling mga lehitimong karapatan.
Dagdag ni Hua, buong tatag na tinututulan ng Tsina ang naturang aksyon ng panig Amerikano, na kabilang sa tipikal na unilateralismo at proteksyonismong pangkalakalan. Ito aniya ay labag sa mga regulasyon ng World Trade Organization, at di-paborable sa mga interes ng Tsina, Amerika, at maging sa buong daigdig.
Salin: Liu Kai