Ipinahayag Huwebes, Marso 23, 2018, ng Food and Agriculture Organization (FAO) ng United Nations (UN), na ang pamahalaan ng Belgium ay magkakaloob ng tulong na agrikultural na nagkakahalaga ng 25 milyong piso, sa pamamagitan ng nasabing organisasyon. Makikinabang sa nabanggit na tulong ang 4,949 na nagsasakang pamilya sa Marawi, Lanao del Sur at Maguindanao. Sa pamamagitan ng nasabing tulong, ipagkakaloob ng FAO ang punla ng bigas, mais at gulay, pataba, kagamitan ng pagsasaka, panimulang gamit sa pagmamanukan at iba pa.
Layon ng nabanggit na tulong na bumalik sa normal na pamumuhay sa lalong madaling panahon ang mga magsasakang apektado ng krisis sa Marawi na naganap mula Mayo hanggang Oktubre, 2017.
Salin: Jade
Pulido: Mac