MANGANGAILANGAN ng halos P 50 bilyon upang maibangon ang Marawi City. Umabot na sa P 18 bilyon ang pinsalang natamo ng lungsod.
Sa isang briefing sa Malacanang, sinabi ni Asst. Secretary Marie Banaag na malaki ang pinsalang natamo ng Marawi City ayon sa kanilang pagsusuri.
Sa halagang P 50 bilyon, sasapat na ito sa pagbabangon ng lungsod. Niliwanag naman ni Housing and Urban Development Coordinating Council at Task Force Bangon Marawi Chairman Eduardo del Rosario na posibleng humigit pa sa P 50 bilyon ang kailangan sa pagtatapos ng pagsusuri ng National Economic and Development Authority. Lalabas ang pagsusuri ng NEDA sa ikalawang linggo na Marso.