|
||||||||
|
||
MATAPOS ang limang taong pagtutulungan ng Bureau of Corrections at International Committee of the Red Cross, napuna ang pagbaba ng bilang ng mga may tuberculosis sa loob ng National Bilibid Prison.
Noong 2013, may 50,000 mga nakapiit ang sinuri at nabatid na mayroong 2,800 sa kanila ang may tuberculosis at mayroong 219 na hindi na tinatalaban ng gamot. Matapos mabatid kung sino sa kanila ang may karamdaman, sumailalim sila sa gamutan at may 1,700 ang gumaling at bumaba ang bilang ng mga nasawi mula sa 157 ay nauwi sa 112 sa bawat 100,000 katao.
Ayon sa pahayag ng International Committee of the Red Cross, nakamtan ng NBP ang pambansang layunin tulad rin ng target ng World Health Organization na pagkakaroon ng 90% tagumpay sa paggamot sa mga maysakit.
Noong Martes, ang pilot project ay ipinagkaloob na ng ICRC ang proyekto sa Bureau of Corrections upang ipagpatuloy pa.
An Dr. Maria Cecilia Villanueva, TB Treatment Unit chief, ipatutupad nila ang programa tulad ng inaasahan. Naayos na rin ang kanilang gusaling may sapat na kagamitan, klinika, parmasya at TB laboratory. Mayroon ding 200-kamang pasilidad. May pagkakataon ang mga pasyenteng magpahangin at makapag-alaga ng mga halaman sa hardin.
Bukas ipagdiriwang ang World TB Day at umaasa ang ICRC na magtatagumpay ang Pilipinas na masusugpo na ang tuberculosis pagsapit ng 2035.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |