|
||||||||
|
||
MAKARARATING SA SENADO ANG ARTICLES OF IMPEACHMENT. Ayon kay Deputy House Speaker Fredenil Castro, sa botong 38-2 na pabor sa impeachment, mas madali na tong makapasa sa plenaryo ngayong linggong ito. (Melo M. Acuna)
NANINIWALA si Deputy Speaker Fredenil Castro na makalulusot sa plenaryo ang Articles of Impeachment sa linggong ito matrapos bumoto ang 38 sa 40 kasapi sa House Committee on Justice na may sapat na dahilan upang mapatalsik sa nakabakasyong Chief Justice Maria Lourdes Sereno. Isa si Deputy Speaker Castro sa mga naging panauhin sa idinaos na Tapatan sa Aristrocat kanina.
WALANG PROBLEMA SA QUO WARRANTO. Ito ang ipinaliwanag ni Atty. Larry Gadon, ang nagreklamo laban kay Chief Justice Sereno sa Mababang Kapulungan. Karamihan umano ng laman ng quo warranto ay nagmulal sa kanya. (Melo M. Acuna)
Samantala, sinabi naman ni Atty. Larry Gadon na walang ibang magagawa ang problemadong chief justice sapagkat ipinagsumbong pa niya sa Department of Justice ang mga nasa likod ng pagkabalam ng dalawang taon ng survivorship benefits at ang pagkuha ng consultant na sumahod ng P 250,000 bawat buwan ng hindi dumaan sa bidding.
Sa panig ni Professor Danilo Arao ng UP College of Mass Communication, gumagamit na ng kulay ang mga kumakatawan sa magkakabilang-panig sa pagkakaroon ng "Red Monday" na nakikita sa mga mahistrado at mga kawani ng Korte Suprema samantalang may kulay ube naman ang mga kumakampi kay Chief Justice Sereno na nananawagan ng "judicial independence."
WALANG CONSTITUTIONAL CRISIS. Ito ang sinabi ni dating Commission on Human Rights Chair Loretta Ann P. Rosales sa idinaos na Tapatan sa Aristocrat. Obligasyon umano ng Congress at Senado ang pagkakaroon ng impeachment proceedings. (Melo M. Acuna)
Ayon kay dating Commission on Human Rights Chairperson Loretta Ann P. Rosales, wala siyang nakikitang constitutional crisis sa pagkakaroon ng impeachment sapagkat bahagi ito ng obligasyon ng Mababang Kapulungan at ng Senado na magpatalsik ng mga taong inaakalang may paglabag sa batas.
Samantala, hindi naman nababahala si Atty. Gadon sa pagkakaroon ng quo warranto petition sa Korte Suprema lalo pa't sinabi ng mga mahistrado na kikilos sila sa reklamo ni Solicitor General Jose Calida. Inamin din ni Atty. Gadon na karamihan ng binabanggit ni Atty. Calida sa kanyang reklamo ay mula rin sa kanya.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |