Ayon sa panig militar ng Turkey, "ganap na nakontrol" nitong Sabado, Marso 24, 2018, ng tropa ng Turkey at "Free Syrian Army" ang rehiyong Afrin sa dakong hilaga ng Syria.
Ayon sa pahayag na pinalabas ng panig militar ng Turkey, napatay na ang lahat ng terorista sa mga nayon sa rehiyong Afrin, at kasalukuyang isinasagawa ang pagsusuri at pag-aalis ng mga landmine at eksplosibo. Anito pa, kasalukuyang buong sikap na tinutulungan ng tropa ng Turkey ang mga mamamayang Syrian sa pagbalik sa kanilang lupang-tinubuan.
Salin: Li Feng