Sinimulan kamakailan ang pagtatatag ng No.11 pambansang lansangan ng Kambodya. Dumalo sa seremonya ng inagurasyon sina Hun Sen, Punong Ministro ng Kambodya, Xiong Bo, Embahador ng Tsina sa bansa, at mga mamamayan sa lokalidad.
Sa pagtitipon, ipinahayag ni Punong Ministro Hun Sen ang pasasalamat sa walang tigil na tulong ng Tsina sa kaunlarang pangkabuhayan at panlipunan ng Kambodya. Ito aniya'y makakatulong hindi lamang sa pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayang Kambodyano, kundi maging sa pangangalaga sa kasarinlan ng bansa.
Ipinahayag naman ni Embahador Xiong, na ang tulong na ibinibigay ng Tsina ay para sa pagpapabilis ng pambansang kaunlaran ng Kambodya at pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan nito. Ito aniya'y walang anumang paunang kondisyong pampulitika.