Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Desisyon ng Korte Suprema sa pagtatanggal ng 5,000 manggagawa at 1,400 flight attendants, kinondena

(GMT+08:00) 2018-03-28 16:57:40       CRI

TINULIGSA ng mga manggangawa at partido politikal ang naging desisyon ng Korte Suprema na nagsabing makatarungan ang pagpapatalsik sa libu-libong manggagawa at 1,400 na flight attendants.

Ayon sa pahayag ng Akbayan, ang pagkatig ng Korte Suprema sa illegal na pagpapatalsik sa mga manggagawa ang pinakamatinding dagok sa karapatan ng paggawa. Masamang sandigan ang desisyon sapagkat lumalabas na ang mga palpak na pagpapatakbo ng mga bahay-kalakal ay mabibigyan ng kalayaang magpatalsik na lamang ng kanilang mga manggagawa.

Hindi katanggap-tanggap sa mga kasapi ng Flight Attendants and Stewards Association of the Philippines (FASAP) ang naging desisyon, dagdag pa ni Machris Cabreros ng Akbayan Party List. Nag-ugat ang desisyon sa isang liham ng abogado ng Philippine Air Lines na 'di man lamang binigyan ng pagkakataon ang mga manggagawang sumagot at maglahad ng kanilang panig. Unang nagwagi ang mga manggagwa noong 2008 subalit binawi ito noong 2009. Nagmula ang liham sa batikang abogadong si Estelito Mendoza. Nanawagan ang Akbayan kasabay ng FASAP sa pananawagan sa Korte Suprema noong 2011 na nagsasabing labag sa batas ang pagpapatalsik sa mga manggagawa.

Lubhang ikinalungkot ni Atty. Sonny Matula, pangulo ng Federation of Free Workers ang naging desisyon ng Korte Suprema. Sa isang pahayag, nagulat ang kanilang samahan na ang isang desisyong pabor sa mga manggagawa ay mababaliktad lamang ng isang liham mula sa isang tanyag na abogado ni Pangulong Ferdinand Marcos.

Taliwas umano ito sa mga alituntunin ng batas sa paggawa tulad ng kanilang natutuhan sa kanilang pag-aaral ng abugasya.

Nakikiisa sila sa FFW sa opinyon ni Justice Marvic Leonen na nagsabing ang desisyon ng Korte Suprema na nagsasabing legal ang pagpapatalsik sa mga manggagwa ay kinasasangkutan ng himalang pagbabalik-buhay sa usaping matagal nang pumanaw.

Nagdesisyon ang Korte Suprema noong 2009 na makabuluhan ang naunang desisyong pumabor sa mga manggagwa noong ika-22 ng Hulyo 2008. Maliwanag umano na kung mayroong finality ang desisyon, wala nang motion for reconsideration na tatanggapin ang hukuman.

Noong 2009, sa akdang desisyon ni Justice Ynares-Santiago na nag-utos sa PAL na ibalik ang mga manggagawang tinanggal at bayaran ang mga nararapat bayaran sa mga 'di na makababalik sa trabaho. Ang ikalawang motion for reconsideration ay tinanggihan din noong 2011.

Kaduda=duda ang pagbaliktad ng desisyong nakamtan ng mga manggagwa. Isang malaking dagok ito sa mga manggagawa ngayong Semana Santa, dagdag pa ni Atty. Matula.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>