Hanoi, Biyetnam — Mula Marso 29 hanggang 31, 2018, idaraos ang Ika-6 na Summit ng Greater Mekong Subregion (GMS) Economic Cooperation. Dadalo rito ang mga lider mula sa Tsina, Cambodia, Laos, Myanmar, Thailand, Biyetnam, mga kinatawan ng Asian Development (ADB), World Bank (WB), Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB), at iba pang mga organo.
Tema ng nasabing pulong ang "Pagpapatingkad ng Bisang Pangkooperasyon sa 25 Taon, Pagtatatag ng Sustenable, Nagkakaisa, at Masaganang GMS." Gaganapin ang mga aktibidad sa panahon ng summit. Tinataya ring pagtitibayin ang mga dokumentong tulad ng "Plano ng Aksyon ng Hanoi mula 2018 hanggang 2022" at "Balangkas ng Pamumuhunang Rehiyonal sa 2022."
Salin: Li Feng