Binuksan Huwebes, Marso 29 ang Ika-6 na Greater Mekong Sub-region (GMS) Economic Cooperation Leaders' Meeting sa Vietnam. Sa ngalan ng Tsina, lumahok sa pulong si Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng bansa. Pagkatapos, magsasagawa rin si Wang ng opisyal na pagdalaw sa Vietnam.
Ito ang kinumpirma ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministrong Panlabas ng Tsina, sa regular na preskon nang araw ring iyon.
Ang mekanismo ng pagtutulungang pangkabuhayan ng GMS na inilunsad ng Asian Development Bank (ADB) noong 1992, ay binubuo ng anim na bansa sa kahabaan ng Greater Mekong na kinabibilangan ng Tsina, Cambodia, Laos, Myanmar, Thailand, at Vietnam.
Salin: Jade
Pulido: Mac