Inilunsad ngayong araw, Biyernes, Marso 30, 2018 ng Tsina ang dalawang BeiDou-3 navigation satellite, sa pamamagitan ng isang Long March-3B carrier rocket, sa Xichang Satellite Launch Center, sa Sichuan Province dakong timog-kanluran ng bansa.
Ang nasabing dalawang satellite na naka-code na ika-30 at ika-31 satellite ng BeiDou Navigation Satellite System (BDS) ng Tsina.
Ang BeiDou ay nangangahulugang Big Dipper sa wikang Tsino. Noong 2000, nagsimulang magkaloob ng indepedyenteng serbisyo sa buong Tsina ang BeiDou system. Sa katapusan ng taong 2018, inaasahan itong makapaglilingkod sa mga bansa sa kahabaan ng Belt and Road.
Dalawang BeiDou-3 navigation satellite habang inilulusad, sa pamamagitan ng isang Long March-3B carrier rocket, sa Xichang Satellite Launch Center, sa Sichuan Province , China, Marso 30, 2018. (Xinhua/Liang Keyan)
Salin: Jade
Pulido: Mac