Beijing,Tsina--Magtitipun-tipon sa darating na Abril ang mga mamumuhunan at mangangalakal mula sa Tsina at mga bansang dayuhan, para lumahok sa Belt and Road Trade and Investment Forum, sa Beijing. Ang tema ng porum ay pagpapalabas ng potensyal at pagbabahaginan ng kinabukasan.
Ito ang ipinahayag ni Yu Jianlong, Pangkalahatang Kalihim ng China Chamber of International Commerce (CCOIC), sa preskon Huwebes, Marso 29, 2018.
Ang gaganaping porum na nasa magkasamang pagtataguyod ng World Chambers Federation (WCF), China Council for the Promotion of International Trade (CCPIT) at CCOIC ay lalahukan ng 600 kinatawan mula sa 70 bansa't rehiyon sa kahabaan ng Belt and Road.
Ayon sa National Bureau of Statistics ng Tsina, noong 2017, nagkakahalaga ng 7.4 na trilyong yuan (mga $1.2 trilyon) ang kalakalan ng Tsina at mga bansa sa kahabaan ng Belt and Road. Mas mataas ito ng 17.8% kumpara sa halaga noong 2016.
Salin: Jade
Pulido: Mac