|
||||||||
|
||
BULKANG MAYON, KALMADO NA. Ito ang larawan ng Bulkang Mayon kaninang ikawalo ng umaga mula sa Legazpi City airport. Kaninang ikawalo rin ng umaga ibinaba ng PHIVOLCS ang alert level mula sa Alert level 3 patungo sa Alert Level 2 kaya nakauwi na ang may 6,000 evacuees sa kani-kanilang mga barangay. (Melo M. Acuna)
NAGDESISYON na ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology na ibaba ang alert level sa nag-aalburutong bulkan mula sa Alert Level 3 at naibaba na sa Alert Level 2 kaninang umaga. Sa pangyayaring ito, umuwi na ang nalalabing 6,000 evacuees sa kanilang mga barangay.
Sinabi ni Dr. Cedric Daep ng Albay Public Safety and Emergency Management Office (APSEMO) na bagama't pinapayagan na ang pagdalaw ng mga turista sa Mayon Resthouse, hindi pa rin pinahihintulutan ang pag-akyat ng mga turista sa bibig ng bulkan at maging sa lava front sapagkat malaki pa rin ang posibilidad na magkaroon ng mga pagguho ng mga maiinit na bato.
Napuna ng mga dalubhasa sa PHIVOLCS (Philippine Institute of Volcanology and Seismology) na kalmado na ang bulkan sa malaking kabawasan ng mga pagyanig ng lupa at paglalabas ng sulphur dioxide.
Kahit pa nakauwi na ang maraming mga evacuees, may maiiwan sa mga paaralang ginamit upang tumulong sa paglilinis.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |