ANG usaping inihain ng Bureau of Internal Revenue laban sa Rappler ay bilang pagtupad lamang ng batas sanhi ng hindi pagbabayad ng buwis na aabot sa P 133.874 milyon noong 2015.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ipinatutupad lamang ng pamahalaan ang batas at nararapat lamang managot ang nagkasala.
Ipinarating ng Bureau of Internal Revenue ang reklamo sa Department of Justice mula sa pagbibili ng Rappler ng may P 181.67 milyon ng Philippine Depositary Receipts sa dalawang banyagang kumpanya.
Ayon sa BIR sa kanilang pagkakalakal, kailangang magbayad ang Rappler Holdings ng income tax at value-added tax.
Sa taunang income tax return at VAT returns sa taong 2015 ay nagpakita na walang income tax at VAT na binayaran ang Rappler Holdings sa kanilang kinita sa FDR transactions.