Ipinahayag Marso 29, 2018 ni Ren Guoqiang, Tagapagsalita ng Ministring Pandepensa ng Tsina, na sa paanyaya nina Ministrong Pandepensa Sergey Shoygu ng Rusya at Ministrong Pandepensa ng Belarus Andre Lavkov, dadalo si Wei Fenghe, Ministrong Pandepensa ng Tsina sa ika-7 Pulong na Panseguridad ng Daigdig sa Moscow, mula unang araw hanggang ika-8 ng Abril. Dadalaw din aniya ang Ministrong Pandepensa ng Tsina sa Rusya at Belarus.
Ipinahayag ni Ren na nitong ilang taong nakalipas, sa ilalim ng magkasamang pagpapasulong nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Vladimir Putin ng Rusya, lumalalim ang pagtutulungan at pagtitiwalaan ng dalawang hukbo at estado. Aniya, ang pagbisitang ito ay para tupdin ang komong palagay na narating ng mga liderato ng dalawang bansa, palalimin ang komprehensibong pragmatikong pagtutulungan ng dalawang hukbo, at ibayong pasulungin ang komprehensibong estratehikong partnership ng dalawang bansa. Dagdag pa niya, nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng Rusya para pangalagaan ang komong interes ng dalawang bansa, at kapayapaan at katatagang panrehiyon at pandaigdig.