Ipinahayag ngayong araw, Sabado, ika-31 ng Marso 2018, sa Pyongyang, Hilagang Korea, ni Thomas Bach, Pangulo ng International Olympic Committee (IOC), na nagkasundo ang IOC at H.Korea sa paglahok ng mga manlalarong H.Koreano sa Tokyo Summer Olympics sa 2020 at Beijing Winter Olympics sa 2022. Kakatigan din aniya ng IOC ang paglahok ng mga manlalarong H.Koreano sa mga iba pang palarong pandaigdig.
Winika ito ni Bach, pagkatapos ng kanyang 3-araw na pagdalaw sa H.Korea. Ipinahayag din niyang, ang magkakasamang pagpasok sa istadyum ng mga manlalaro ng Hilaga at Timog Korea sa Pyeongchang Winter Olympics ay malakas na simbolo ng kapayapaan, na ibinigay ng Korean Peninsula sa daigdig.
Ayon pa rin sa ulat, sa panahon ng naturang pagdalaw, kinatagpo si Bach ni Kim Jong Un, lider ng H.Korea, at magkasama silang nanood ng laro ng putbol.
Salin: Liu Kai