Sa isang pulong sa mataas na antas, na idinaos kahapon, Huwebes, ika-29 ng Marso 2018, sa Panmunjom, sinang-ayunan ng Timog Korea at Hilagang Korea, na idaraos ang summit ng dalawang bansa sa ika-27 ng susunod na buwan.
Ipinasiya rin ng dalawang panig na idaraos ang working meeting sa ika-4 ng susunod na buwan, bilang paghahanda para sa naturang summit.
Ito ang magiging ikatlong Inter-Korea Summit, at unang ganitong summit na idaraos nitong nakalipas na 11 taon.
Ayon pa rin sa planong inilabas sa pulong, idaraos ang nabanggit na summit sa Peace House, arkitektura ng T.Korea sa Panmunjom, at tatagal ito ng isang araw. Kapwa ipinahayag ng dalawang bansa, na magsisikap sila para maging matagumpay ang summit.
Salin: Liu Kai