|
||||||||
|
||
Noong isang buwan, magkasanib na itinaguyod ng Embahadang Tsino sa Pilipinas at Kagawaran ng Kalakalan at Industriya ng Pilipinas ang tatlong promosyon ng Unang China International Import Expo sa Manila, Cebu, at Davao. Halos 800 personahe mula sa sirkulong industriyal at komersyal ng Pilipinas ang magkakasunod na lumahok dito.
Sa isang panayam, ipinahayag ni Ramon Lopez, Kalihim ng Kalakalan at Industriya ng Pilipinas, na ipinakikita ng pagdaraos ng nasabing ekspo ang aktibong pagbubukas ng Tsina sa buong daigdig. Aniya, bilang ikalawang pinakamalaking ekonomiya sa daigdig, ang patuloy na pagkatig ng Tsina sa globalisasyong pangkabuhayan at liberasyong pangkalakalan ay nakakapagbigay ng positibong epekto sa kalakalang pandaigdig. Ipinalalagay niya na ang nasabing ekspo ay makakapagbigay ng mas maraming pagkakataon para sa pagpasok ng mga bahay-kalakal na Pilipino sa pamilihang Tsino. Ito rin ay isang mahalagang hakbang ng pagpapasulong ng pagkakaibigang Pilipino-Sino, aniya pa.
Ayon sa estadistika, noong isang taon, umabot sa 51.2 bilyong dolyares ang halaga ng kalakalang Sino-Pilipino. Ito ay mas malaki ng 8.5% kumpara sa taong 2016.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |