Ipinahayag sa Beijing Lunes, Marso 12, 2018, ni Tagapagsalita Lu Kang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na dapat tumpak na pakitunguhan ng komunidad ng daigdig ang mithiin ng mga mamamayang Pilipino, at dapat ding komprehensibo at obdiyektibong pakitunguhan ang natamong bunga ng pakikibaka ng Pilipinas sa droga at paglaban sa terorismo. Aniya pa, karapat-dapat ding katigan ang ginagawang pagsisikap ng Pilipinas sa pagpapasulong ng usapin ng karapatang pantao alinsunod sa sariling kalagayan.
Ani Lu, sapul nang manungkulan si Pangulong Rodrigo Duterte, aktibong binibigyang-dagok ng Pilipinas ang krimeng may-kaugnayan sa droga at terorismo. Dagdag pa ni Lu, puspusang pinauunlad ni Duterte ang kabuhayan at pinabubuti ang pamumuhay ng mga mamamayan, upang mabisang mapangalagaan at mapasulong ang pundamental na karapatang pantao sa bansang ito.
Salin: Li Feng