|
||||||||
|
||
Ayon sa tanggapang pampanguluhan ng Pilipinas Lunes, Abril 2, 2018, makaraang tanggapin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ulat mula sa Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Yaman, Kagawaran ng Suliraning Panloob, at Kagawaran ng Turismo, iminungkahi niya na mula darating na Abril 26, isasara ng anim (6) na buwan ang Boracay Island, bantog na tourist site sa daigdig, upang mapangalagaan ang kapaligiran doon.
Inihayag ng pamahalaang Pilipino na ang epektong dulot ng pagsasara ng isla sa maikling na panahon, ay hindi hihigit sa benepisyong dulot ng paglilinis ng kapaligiran sa mahabang panahon. Kasalukuyang isinasaalang-alang ng pamahalaan ang kaukulang mungkahing iniharap ng Kagawaran ng Kalakalan at Industriya na nakasaad na bigyan ng mga temporaryong trabaho ang mga manggagawa na maaapektuhan sa pagsasara ng Boracay island.
Ayon sa opisyal na estadistika ng Pilipinas, noong isang taon, lumampas sa dalawang (2) milyon ang bilang ng tourist arrivals sa Boracay Island na kinabilangan ng 1.05 milyong banyagang turista.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |