|
||||||||
|
||
NANAWAGAN ang pamunuan ng Phlippine Travel Agencies Association sa pamahalaan na tanging ang mga lumalabag sa batas ang ipasara at huwag ang buong tourist area.
Samantala, sinabi rin ng samahan na kung itutuloy ng pamahalaan ang balak na pagpapasara sa Boracay, may mapupuntahan pa namang ibang tourist spots ang mga panauhin.
Ayon kay Bb. Marlene Dado Jante, ang Boracay ang isa sa pinakamalaking kumita sa kanilang mga pinagdadalhan ng mga turista subalit makaliligtas pa rin sa pinakamahirap na situwasyon lalo pa't nagbabalak ang pamahalaang isara upang malinis ang Boracay.
Naniniwala pa rin si Bb. Jante na mayroon pa namang mga responsableng resort owners sa Boaracay na sumusunod sa mga alituntunin ng pamahalaan. Nararapat lamang manatiling bukas ang mga ito sa likod ng pagpapasara at paglilinis sa pook. Mayroon ding mga 17 hanggang 19,000 mga manggagawang naghahanapbuhay sa mga resort sa Boracay.
Magpapadala rin sila ng koponan sa Boracay upang suriin ang kapaligiran at magkaroon ng sariling mga rekomendasyon.
Ayon sa Department of Tourism, umabot a 2.1 milyon ang mga turistang Pinoy at banyaga na dumalaw sa Boracay noong 2017. Pinakinggan ng inter-agency task force ang mga pahayag at mungkahi ng mga senador, mga opisyal ng pamahalaang lokal at mga mangangalakal sa pook. Ang lahat ng mga napag-usapan ay tatalakayin sa cabinet meeting ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong gabi.
Kabilang sa inter-agency committee ang mgav opisyal ng Department of Tourism, Department of Environment and Natural Resources, Department of Interior and Local Government, Department of Public Works and Highways at Department of Justice.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |