Ayon sa ulat na inilabas Linggo, Oktubre 8, 2017 ng Tuniu, kilalang online travel agency ng Tsina, sa katatapos na walong-araw na National Holiday, ang Pilipinas ay naging isa sa sampung pinakapaboritong destinasyon ng mga turistang Tsino. Ang Boracay, kasama ng Phuket ng Thailand at Bali ng Indonesia ay kinagigiliwan ng mga bagong kasal na Tsino para magpakuha ng kanilang wedding photos.
Ang ibang bansa na nasa listahan ng pinakapopular na destinasyong panturismo para sa mga mamamayang Tsino ay Thailand, Hapon, Indonesia, Singapore, Cambodia, Vietnam, Malaysia, Sri Lanka at Nepal.
Salin: Jade