Buong pagkakaisang sinang-ayunan Lunes, Abril 2, 2018, ng State Intellectual Property Office (SIPO) ng Tsina at Ministri ng Siyensiya't Teknolohiya ng Laos, na pormal na itatag ang bilateral na relasyong pangkooperasyon sa Intellectual Property Rights (IPR). Lumagda rin ang dalawang panig sa unang Memorandum of Understanding (MOU) tungkol sa IPR. Ayon dito, kikilalanin ng Laos ang resulta ng pagsusuri sa mga Chinese patents.
Ipinahayag ni Shen Changyu, Puno ng SIPO, na madalas ang pag-uugnayan ng mga IPR departments ng Tsina at Laos sa mga balangkas na gaya ng "Belt and Road," at China-ASEAN cooperation sa IPR. Umaasa aniya siyang pormal na maitatatag ng dalawang bansa ang relasyong pangkooperasyon sa IPR upang mapayaman ang nilalaman ng relasyon ng dalawang bansa at makapagbigay ng ambag para sa pagsasakatuparan ng "Belt and Road" Initiative sa larangan ng IPR.
Salin: Li Feng