|
||||||||
|
||
Nitong Lunes, Abril 2, 2018, pormal na naisaoperasyon ang highway 1577 ng Cambodia na itinatag sa ilalim ng pagtulong ng Tsina. Dumalo sa seremonya ng pagpapasinaya sina Sar Kheng, Pangalawang Punong Ministro at Ministro ng Suliraning Panloob ng Cambodia, Li An, Economic at Commercial Counsellor ng Embahadang Tsino sa Cambodia, at ilang libong mamamayang lokal.
Sa kanyang talumpati, pinasalamatan ni Sar Kheng ang ibinibigay na tulong ng pamahalaan at mga mamamayang Tsino sa pag-unlad ng Cambodia. Aniya, ang pagkatig ng Tsina ay nakakapagpasulong ng malaki sa pag-unlad ng kabuhayang Kambodyano.
Sinabi naman ni Li An na ang highway 1577 ay isa pang bunga ng kooperasyong Sino-Kambodyano. Aniya, nakahanda ang Tsina na palakasin ang pakikipagkooperasyon sa Cambodia sa konstruksyon ng Belt and Road Initiative upang mapasulong ang pag-unlad at makapaghatid ng mas maraming benepisyo sa mga mamamayan nito.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |