|
||||||||
|
||
Phnom Penh — Pinasinayaan kamakailan ang aktibidad ng "Lancang-Mekong Week." Sa kanyang panayam sa mga mamamahayag na Tsino, ipinagdiinan ni Prak Sokhon, Ministrong Panlabas ng Cambodia, na dapat itatag sa naturang aktibidad ang tatak ng "Lancang-Mekong Cooperation (LMC)" upang ipaalam ang LMC sa mas maraming mamamayan.
Sinabi niya na gagawing pokus ng LMC ang mga larangang gaya ng konektibidad, kooperasyon sa kakayahan ng produksyon, kooperasyong pangkabuhayan, kooperasyon sa yamang-tubg, kooperasyon sa agrikultura at pagbabawas ng karalitaan. Aniya, ang katuturan ng LMC ay kapayapaan at kaunlaran. Ito ay nakakatulong sa pagpapaliit ng agwat ng pag-unlad sa pagitan ng mga bansa sa kahabaan ng Ilog Mekong at pagpapabilis ng proseso ng konstruksyon ng Komunidad ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), aniya pa.
Dagdag pa niya, kinakailangan ng Cambodia at Tsina ang isa't-isa sa pagpapasulong ng sub-rehiyonal na kapayapaan at kasaganaan, at pangangalaga sa komong kapakanan.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |