|
||||||||
|
||
Binuksan kamakailan ang eksbisyon ng Cambodia sa 2018 China-ASEAN Expo (CAExpo). Ito ay inaasahang makakatulong sa kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at Cambodia.
Sinabi ni Xiong Bo, Embahador ng Tsina sa Cambodia, na ang kooperasyong Sino-Kambodyano sa mga larangang gaya ng koryente, agrikultura, turismo, konstruksyon ng imprastruktura, at paggagalugad sa espesyal na sonang ekonomiko, ay nakakapagbigay ng positibong ambag para sa pag-unlad ng kabuhayan at lipunan, at pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayang Kambodyano.
Noong isang taon, umabot sa halos 5.8 bilyong dolyares ang halaga ng kalakalang Sino-Kambodyano. Ito ay mas malaki ng 21.7% kumpara sa taong 2016.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |