SA paggunita ng Mahal na Araw noong nakalipas na linggo, umabot naman sa 37 katao ang nalunod sa iba't ibang bahagi ng bansa. Ito ang sinabi ni Chief Supt. John Bulalacao, tagapagsalita ng Philippine National Police.
Mula noong ika-23 ng Marso hanggang kanina, mayroong 64 na insidente at may 43 ang may kinalaman sa pagkalunod. May sampung nasawi dahil sa mga sakuna. May dalawang pagnanakaw, tatlong physicial injuries, tatlong sakuna sa karagatan, isang pangbabastos, isang panununog at dalawang nakuryente.
Karamihan umano ng mga nasawi ay mula sa Region IV-A na kinatampukan ng sampung nasawi, walo naman sa Central Luzon, anim sa Cagayan Valley, apat naman ang nasawi sa Bicol Region, tatlo sa Caraga Region at Davao na mayroong dalawang nasawi.
Tig-iisa ang nasawi sa Ilocos Region, MIMAROPA, Western Visayas at Eastern Visayas.
Ito ang datos na nakamtan mula ng ilunsad ang Ligtas Summer Vacation 2018.