|
||||||||
|
||
Sa news briefing ng Ministring Panlabas ng Tsina Martes, Abril 3, 2018, isiniwalat ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina ang mga impormasyong may kinalaman sa Boao Forum for Asia (BFA).
Ani Wang, bubuksan sa Lalawigang Hainan ang taunang pulong ng BFA sa taong ito, at lalahok at magtatalumpati sa seremonya ng pagbubukas si Pangulong Xi Jinping ng Tsina. Makikipagtagpo rin aniya si Xi sa mga kalahok na lider ng mga bansa, mga namamahalang tauhan ng mga organisasyong pandaigdig, mga direktor ng BFA, at makikipag-usap sa mga kinatawan ng mga mangangalakal na Tsino't dayuhan.
Ayon kay Wang, lalahok sa nasabing taunang pulong si Pangulong Rodrigo Duterte ng Pilipinas at ang mga lider ng Singapore, Austria, Mongolia, Netherlands at Pakistan, Pangkalahatang Kalihim ng United Nations (UN) at Presidente ng International Monetary Fund (IMF).
Isinalaysay ni Wang na ang tema ng kasalukuyang pulong ay "An Open and Innovative Asia for a World of Greater Prosperity."
Binigyang-diin ni Wang na ang taong 2018 ay ika-40 anibersaryo ng pagsasagawa ng Tsina ng patakaran ng reporma at pagbubukas sa labas, at ito rin ay taon ng pagsisimula ng pagpapatupad ng mga diwa ng ika-19 na Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC). Aniya, sa ganitong mahalagang panahon, mahalagang mahalaga ang katuturan ng paglahok ni Xi sa isang serye ng mga aktibidad ng BFA para sa pagpapasulong ng diplomasyang may katangiang Tsino sa bagong panahon, pagpapasulong ng pagtatatag ng Community of Shared Future ng Asya at sangkatauhan, at pagpapasulong ng usapin ng kapayapaan at kaunlaran ng sangkatauhan.
Dagdag pa niya, sa gaganaping taunang pulong, itatampok ang mga sumusunod: una, pagdidispley ng bagong prospek ng reporma at pagbubukas; ika-2, pagpapaliwanag ng bagong panahon ng pag-unlad ng Tsina; ika-3, pagharap ng bagong paninindigan sa magkakasamang paglikha ng kinabukasan; ika-4, paglikha ng bagong bunga ng partnership; at ika-5, pagbubuhos ng bagong lakas panulak para sa pag-unlad ng BFA.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |