London, Britanya--Inilabas kahapon, Miyerkules, ika-11 ng Abril 2018, sa London Book Fair ang mga bersyon ng "Xi Jinping: The Governance of China" Volume 2, sa Traditional Chinese, at 8 wikang dayuhan na gaya ng Ingles, Pranses, Espanyol, Aleman, Ruso, Hapones, Arabe, at Portuges.
Ang bolyum na ito ay koleksyon ng mga talumpati, atas, mensahe, at iba pa, na ginawa ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, mula noong ika-18 ng Agosto, 2014, hanggang ika-29 ng Setyembre, 2017.
Sa seremonya ng pagpapalabas ng aklat, ipinahayag ni Prince Andrew, the Duke of York, ang mataas na pagtasa sa aklat. Aniya, nagkakaloob ito ng magandang pagkakataon, para malaman ang kasalukuyang kalagayan ng Tsina, at direksyon ng pag-unlad nito sa hinaharap.
Sinabi naman ni Mario Monti, dating Punong Ministro ng Italya, na nakalakip sa aklat ang kaalaman hinggil sa Tsina at lipunan ng bansa. Ito aniya ay makakatulong sa pagkaunawa sa kasalukuyang Tsina.
Salin: Liu Kai