Noong ika-11 ng Abril, 2018, ipinahayag sa Beijing ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na sa paanyaya ng Democratic People's Republic of Korea (DPRK) o Hilagang Korea, lalahok ang grupong pansining ng Tsina sa "April Spring Friendship Art Festival" na idaraos sa Pyongyang.
Aniya, lumalahok ang grupong pansining ng Tsina sa nasabing pestibal bawat taon. Nananalig aniya siyang ang pagdalaw na ito ay gaganap ng positibong papel para sa pagpapalalim ng pagkakaibigan at pagpaplitan ng dalawang bansa.
salin:lele