|
||||||||
|
||
Ayon sa pag-uusap sa mataas na lebel Huwebes, Marso 29, 2018, ipinasiya ng Timog at Hilagang Korea na idaos sa Abril 27 sa Panmunjom ang pagtatagpo ng mga lider ng dalawang bansa.
Kaugnay nito, ipinahayag nang araw ring iyon ni Tagapagsalita Lu Kang ng Ministring Panlabas ng Tsina, ang pagtanggap hinggil dito. Nanawagan din siya sa iba't-ibang panig na magkakasamang suportahan ang pagpapabuti ng relasyon ng dalawang bansa, at makapagbigay ng aktuwal na pagsisikap para sa pagpapasulong ng kapayapaan.
Dagdag ni Lu, sapul nang pumasok sa taong ito, lumitaw ang positibong pagbabago sa situwasyon ng Korean Peninsula. Aniya, ang diyalogo ay muling nagiging pangunahing tunguhin sa paglutas sa isyu ng Korean Peninsula.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |