Nakipagtagpo ngayong araw, Martes, ika-3 ng Abril 2018, sa Beijing, si Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, kay Ri Yong Ho, Ministrong Panlabas ng Hilagang Korea.
Ipinahayag ng dalawang panig, na dapat ipatupad ang mga komong palagay ng mga lider ng dalawang bansa, palakasin ang pagdadalawan sa mataas na antas at diplomatikong pag-uugnayan sa iba't ibang antas, at ipagpatuloy at paunlarin ang tradisyonal na pagkakaibigan ng Tsina at H.Korea.
Ipinahayag ni Wang, na sa kasalukuyang kalagayan, mahalaga ang pagpapanatili at pagpapasulong ng tradisyonal na pagkakaibigan ng Tsina at H.Korea para sa kapwa bansa at rehiyong ito. Patuloy aniyang pasusulungin ng Tsina ang talastasan, at gagawin ang pagsisikap para sa pagsasakatuparan ng walang nuklear ng Korean Peninsula, at pagbuo ng mekanismong pangkapayapaan ng peninsula.
Ipinahayag naman ni Ri, na batay sa komong palagay na narating ng mga lider ng dalawang bansa sa pagtatagpo kamakilan sa Beijing, pananatilihin ng panig H.Koreano ang mahigpit na pakikipag-ugnayan sa panig Tsino, hinggil sa mga isyu ng peninsula.
Salin: Liu Kai