Kasalukuyang lubusang sinusubaybayan ng komunidad ng daigdig ang talumpati ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa seremonya ng pagbubukas ng Boao Forum for Asia hinggil sa ibayong pagpapalawak ng pagbubukas sa labas ng Tsina sa mga larangang kinabibilangan ng sasakyang de-motor, intellectual property rights, at iba pa. Ipinalalagay ng mga dayuhang media na ito ay katulad na larangang pinapapansin ng Amerika. Kaugnay nito, ipinahayag Abril 11, 2018 ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang naturang hakbang ay hindi nakatuon sa kasalukuyang trade friction sa pagitan ng Amerika at Tsina.
Ani Geng, bilang pundamental na patakaran ng estado, ipagpapatuloy ng Tsina ang pagbubukas sa labas. Aniya, ang kasalukuyang hakbang ay isasagawa alinsunod sa pangangailangan, timetable, at roadmap ng Tsina, kahit ano pa ang anumang aksyong gawin ng ibang bansa.