Ipinahayag Marso 7, 2018 ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang palagay ng mga bansang kalahok sa "Belt and Road Initiative" ang magpatunay kung mabisa o hindi ang naturang inisyatiba at mga proyekto nito. Nananalig aniya ang Tsina, na gagawa ng tumpak na pagpili ang mga kalahok ng "Belt and Road", para maisakatuparan at mapasulong ang kani-kanilang pambansang kaunlaran.
Winika ito ni Geng bilang tugon sa pahayag kamakailan ng Center for Global Development, think tank na nakakabase sa Washington tungkol sa umano'y "panganib sa pagkakautang" na kakaharapin ng mga bansang kinabibilangan ng Pakistan at Republic of Montenegro dahil sa pakikisangkot sa "Belt and Road Initiative."
Ani Geng, nitong limang taong nakalipas sapul nang isakatuparan ang "Belt and Road Initiative" na itinataguyod ng Tsina, tumanggap ito ng mahigit 100 bansa at organisasyon sa daigdig. Ito aniya'y nagsisilbing pinakamalaking platapormang pangkooperasyon at proyektong pampubliko ng daigdig. Aniya, ang"Belt and Road" ay hindi tatanggapin ng komunidad ng daigdig at hindi rin ito mabilisang uunlad, kung napakalaki ng panganib nito, alinsunod sa pananalita mula sa nasabing think tank.